Ligaw Part 2

Posted: Abril 22, 2012 in Ghost Story

LIGAW

At yun nga ang nabasa ng lalaki sa notebook. Mukang may kababalghang nangyari kung sino man ang nagsulat nito. Dinala ng lalaki ang notebook sa kanilang bahay, di nya pa tapos basahin ang lahat nang nakasulat dito. Nang makauwi, binasa muli ng lalaki mula sa simula  haggang sa mapunta muli sya sa huling limang pahina. Binalikan nya ung mga di nya maintindihang sulat. Isa sa mga sulat na di nya maintindihan ay “BOO” di nya alam kung para saan ito. Isa sa mga nakasulat ay “BOO hay eto nanaman, tayo.” at “BOO nakakasawa na, di na to maganda” at “BOO nanaman? wala na bang bago?. Inisip ng lalaki na baka palabas lang sa telebisyon ang “BOO” na ito o kaya’y libro or comiks na binabasa ng sumulat ng notebook.

Meron pang mga ilan ilan syang di maintindihang salita, tulad pa ng “YAO“, “NAATARA“, “WA“, “KUIN” sa mga magkakaibang pahina ng notebook. At may mga maling spelling tulad ng ” Mamaya kakaini ko to, pero baka mimiya.” at “Eto nanaman yung maong makakalimutan namaan yung oit nya.” ilan lng to sa mga nakita nyang mali pero, marami pa. At mukang may habit ang sumulat ng notebook, na imbes 5 ang nakasulat ay mukang S. Tingin ng lalaki ay mukang nagmamadali lagi magsulat ang sumusulat nito.Sinubukan nya ulit basahin ang ikalimang pahina sa huli, pero mukang kinakabahan na sya sa ikaapat sa huling pahina. Pero kailangan nyang tingan kundi, hindi sya mapapakali. Binasa nya ang ikaapat sa huling pahina at mas lalo syang nagulat sa mga sinabi ng sumulat.

“Umiiyak ako ngayon, kahit ngayon sinusulat ko to, umiiyak ako. Di tumitigil ang luha ko, at di rin tumitigil ang tingin nya sakin, papatayin nya na ko sa oras na gumalaw sya” ….. sana .. sana wag syang gumalaw.. utang na loob. Wa —” mukang di na tinuloy ng sumulat ang kanyang sana’y sasabihin.” Di nag atubili ang lalaki at binuklat kaagad nya ang ikatlo sa huling pahina.

TO BE CONTINUED . .. . . .. . . . ..

http://www.wattpad.com/10504535-ligaw-part-2

Mag-iwan ng puna